CELLPHONE AT BIBLIA


 Ang CELLPHONE laging hawak at ipinapakita,
Ang BIBLIA laging nakatago at ayaw ipakita.

Ang CELLPHONE binibili kahit libo-libo Ang halaga,
Ang BIBLIA ayaw bilhin, kahit apat na raan lang ang halaga.

Ang CELLPHONE laging pinapalitan ng case,
Ang BIBLIA hindi man lang mabilhan ng case.

Ang CELLPHONE ay ayaw magasgasan,
Ang BIBLIA hinahayaang maalikabukan.

Ang CELLPHONE bihirang makaligtaan kung saan iniwan,
Ang BIBLIA madaling makaligtaan kung saan naiwan.

Ang CELLPHONE mahirap ipahiram, baka masira,
Ang BIBLIA madaling ipahiram, kahit mawala.

Ang CELLPHONE laging binabasa kung may bagong message,
Ang BIBLIA hindi binabasa kaya hindi makita ang message.

Ang CELLPHONE message masarap i-share.
Ang BIBLIA verse nakakalimutang i-share.

Ang CELLPHONE pinapakita ang lifestyle ng tao,
Ang BIBLIA nagpapabago ng lifestyle ng tao.

Ang CELLPHONE mabilis maluma,
Ang BIBLIA hindi naluluma.

Ang CELLPHONE message kung minsan ay late,
Ang BIBLIA laging on time ang message.See More

Leave a comment